Dahil sa nakakaalarmang sitwasyon ay agad na itinayo ng lokal na pamunuan ng Pasig ang isang task force na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maagapan ang nakaambang panganib na posibleng ikasawi ng maraming tao.
Lumalabas sa ulat na ilan sa mga gusali na ngayon ay tinututukan ang tatlo sa mga gusali sa Philsport Arena (ULTRA), kung saan naganap ang stampede na ikinamatay ng may 70 katao noong Pebrero 4 ng taong ito.
Bukod sa ULTRA, ilan pa sa binanggit ng task force ay ang mga gusali sa Bagong Ilog Elementary School, Dr. Sixto Antonio Elementary School, Oranbo Elementary School, limang gusali sa Brgy. Palatiw Elementary School, Pasig Central Elementary School at Pineda Elementary School. Ang nasabing ulat ng Task Force ay base na rin sa ginawang inspeksiyon sa may 1,983 gusali sa Kalakhang Maynila na ginawa noong katapusan ng Abril. (Edwin Balasa)