Dahil sa plea bargaining agreement na pinasok ng kampo ng akusadong si Eduardo Tabrilla, agad na pinataw ni Manila Regional Trial Court Judge Myra Fernandez ang hatol na pagkakabilanggo ng 12 hanggang 14 na taon dito.
Sa record ng korte, si Tabrilla ang ikalawa sa nahatulan sa kaso matapos na mahatulan ng death penalty si Arnulfo Aparri habang nakalalaya pa sina Joseph Tan at Michael Manangbao.
Matatandaan na isang opisyal ng ROTC si Chua sa UST at ang pagbubunyag nito ng mga iregularidad ang sinasabing dahilan ng kanyang kamatayan. Matapos ang exposé nito sa school organ na "The Varsitarian" ay natagpuan ang bangkay nito sa Ilog Pasig noong Marso 15, 2001. (Danilo Garcia)