ABS-CBN bukas sa amicable settlement

Nakahanda ang ABS-CBN na idaan na lamang sa isang amicable settlement ang kaso ng Ultra Stampede.

Sinabi kahapon ni Atty. Regis Puno, abogado ng ABS-CBN, sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa naturang kaso na kakausapin na lamang nila ang mga biktima sa pamamagitan ng kanilang mga abogado upang matulungan sila sa kanilang mga problema.

Idinagdag pa ni Puno na kung pagbabatayan ang complainant affidavit, wala umanong malinaw na reklamo laban sa ABS-CBN.

Iginiit pa nito na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang matulungan ang lahat ng mga biktima kung kaya’t wala rin umanong dahilan upang ituloy pa ang kasong kriminal.

Naghain din ang ABS-CBN ng kahilingan sa Court of Appeals upang ipatigil ang isinasagawang preliminary investigation sa kaso. Ito’y dahil na rin umano sa ipinapakitang biases ng DOJ bilang institusyon sa paghawak sa naturang kaso.

Samantala, binigyan naman ng investigation panel ang lahat ng mga respondent ng 10 araw upang magsampa ng kanilang counter-affidavit habang muling itinakda ang susunod na preliminary investigation sa Abril 6. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments