Bunga nitoy pinababalik ng SC sa Court of Tax Appeals (CTA) ang nabanggit na kaso upang pormal na maghain ng ebidensiya ang mga partido nito.
Binaligtad at isinaisantabi ng SC ang resolution ng CTA noong Agosto 2004 na nagdeklarang wala nang karapatan ang MRT na magsumite ng kanilang ebidensiya sa nabanggit na usapin. Ito ay matapos makailang ulit na mabinbin ang pagdinig dito.
Binigyang-diin pa ng SC na ang ginawang pagpapahinto ng pagdinig ng MRT ay hindi rin upang pabagalin ang kaso at hindi rin ito nangangahulugan ng kawalan ng interes.
Ayon sa SC, ang mga dahilan ng MRT kung kayat nagkakaroon ng postponement ay maituturing na lehitimo at balido.
Ipinaliwanag ng Korte Suprema na nagpalit ng abogado ang MRT kung kayat pinag-aaralan pa lang ng bagong abogado nito ang kaso. (Grace dela Cruz)