Patay na ng idating sa Rizal Medical Center ang biktima na si Angelyn Cultivo, 34-anyos, residente ng General Luna St., Brgy. Ibayo Tipas, nabanggit na lungsod sanhi ng malalalim na saksak sa ibat ibang parte ng katawan nito.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa nabanggit rin na pagamutan ang suspect na si Rolando Haloc, 43-anyos sanhi ng mga saksak sa katawan.
Naganap ang insidente alas-12 ng madaling-araw sa loob ng pamamahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Bago ang trahedya ay unang nagkaroon ng salu-salo sa selebrasyon ng anak ng biktima na si Joel para sa 13th birthday nito at ilang minuto pa ay nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at suspect dahil sa labis na paninibugho umano ng huli sa babae.
Ilang minuto lamang ay kumuha ng kutsilyo ang suspect at pinagsasaksak nito ang ina ng bata at nang makita nito na halos wala ng buhay ang biktima ay pinagsasaksak din nito ang kanyang sarili. (Ulat ni Lordeth Bonilla)