Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntinlupa City police laban sa hindi pa nakikilalang suspect na mabilis na nakatakas matapos ang isinagawang panloloob.
Nakilala naman ang biktima na si Judge Norma C. Perello, ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) at naninirahan sa Block 12, Lot 5, Express View Villas, Brgy. Putatan ng nabanggit na lungsod.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nang madiskubre na nawawala ang mahahalagang kagamitan, alahas at cash ng judge.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang kakikilanlan sa suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)