Ayon kay Reyes, kailangan na siyasating mabuti ng mga may-ari ng mga gusali at establisimyento ang koneksiyon ng mga kawad ng kuryente upang maiwasan ang sunog na posibleng makadamay ng buhay ng tao. Aniya tatlo pa lamang sa mga kompanya at gusali na nakabase sa Metro Manila ang nangako na susunod fire safety rules na ipinatutupad ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinabi naman ni Supt. Bobby Baruelo ng BFP na hiniling sa kanila ng pamunuan ng Robinsons Galleria na isailalim ang kanilang shopping mall sa masusing inspection at ayusin ang anumang sira na matutuklasan dito, gayundin ang University of Perpetual Help sa Las Piñas na nangako na kanilang aayusin ang mga depektibo na nakita sa kanilang school building noong nakalipas na fire inspection.
Nagsagawa naman ng sariling fire drill ang Joe Kuan Food Corporation upang maging pamilyar ang kanilang mga kawani sa mga dapat na gawin upang makaligtas sa sunog.
Dahil dito, nanawagan din si DILG Undersecretary for Peace and Order Marius Corpus sa ibang establisimyento na tularan ang pagkikipagtulungan ng tatlong kompanya at gusali upang maiwasan ang pagkalat ng sunog na kadalasang nakapandadamay pa ng ibang ari-arian.
Samantala, ilang business establishment sa Quezon City ang natuklasang walang sapat na fire safety signs, fire exit at fire brigade. (Ulat ni Doris Franche)