PGMA, namahagi ng lupa sa QC

Halos maluha sa ligaya ang may 4,000 pamilya sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City matapos na ipamahagi sa kanila ni Pangulong Arroyo ang may 238 ektaryang lupa.

Ayon kay Arroyo, ang pamamahagi niya ng lupa ay alinsunod sa memorandum order na naglalayong mabigyan ng lupang pag-aari ang mga maliit na pamilya na walang tunay na lupa. Aniya, matagal nang hinihintay ng mga residente ang pagkakataon lalo na ng mga inang mag-isa lang na naghahanapbuhay para sa kanilang mga anak.

Nakasaad din sa memorandum order na inatasan ni pangulong Arroyo ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at National Housing Authority (NHA) upang ipamahagi ang 238 ektarya ng lupa sa ilalim ng National Government Center- Eastside Development Project.

Malaki din ang pasasalamat nila kay QC Mayor Feliciano Belmonte sa puspusan nitong pagrerekomenda sa pangulo ng mga taong nangangailangan ng tulong. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments