Dalaga,walang pambili ng regalo para sa magulang nagbigti
November 30, 2003 | 12:00am
Isang 18-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti makaraang madismaya ito sa sarili dahil sa kanyang kakapusan at walang pambili ng ragalo para sa kanyang mga magulang sa probinsya, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima na wala ng buhay nang matagpuan ay kinilalang si May Rose Baduria, tubong Naga City at stay-in trimmer ng International Garments na matatagpuan sa #138 4th St., 9th Avenue ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang pinsan at kasamahan sa trabahong si Jerry Enano na nakabitin sa roof top ng gusali ng nabanggit na pabrika.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na isang metal wire ang ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal nito kung saan ay isinabit nito ang kabilang dulo sa biga habang ang kabilang dulo naman ay ipinulupot nito sa kanyang leeg.
Ayon naman sa naging pahayag ni Enano sa pulisya, bago naganap ang insidente ay ilang araw niyang nakita ang biktima na tulala at madalas na nakatingin sa malayo.
Sa tuwing tatanungin niya umano ito ay kadalasang sinasabi nito na wala siyang pera na pambili ng regalo para sa kanyang mga magulang na nasa probinsya.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul-play sa pagkamatay ng dalaga. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended