Ayon kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagdinig ng DOJ hinggil sa nasabing kaso ay maituturing na legal at naaayon sa batas.
Ipinaliwanag ni Gutierrez na una nang nagpalabas ng kautusan ang Supreme Court (SC) kung saan nakasaad dito na maituturing na tamang ahensiya ng gobyerno ang DOJ sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa katulad na kaso ni Honasan.
Aniya, ang pagpapalabas ng kautusan ng SC ay upang maiwasan na matagalan ang isang kaso sa pagdinig ng isang ahensiya ng gobyerno.
Sinabi pa rin nito na maituturing na pagpapatagal lamang sa imbestigasyon ang ginagawang pagkuwestiyon ng kampo ni Honasan kung anong ahensiya ng gobyerno ang siyang tamang duminig sa kanyang kaso.
Binigyang-diin pa rin ni Gutierrez na kinasuhan si Honasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa DOJ bilang isang indibidwal at hindi bilang isang opisyal ng gobyerno. (Ulat ni Grace dela Cruz)