Nabatid na sisimulan ang pagdinig sa kasong grave threat, physical injury, slander by deed at oral defamation na inihain ni Goma laban kay Jinggoy dakong ala-1:30 ng hapon at nakatakdang i-preside ito ni City Prosecutor Lorna Lee.
Matatandaan na nag-ugat ang hidwaan nina Goma at Jinggoy nang batukan ng huli ang una sa isang basketball competition sa ginanap na Star Olympics 2003 noong nakaraang buwan.
Nauwi sa demandahan ang awayan ng dalawa nang hindi mag-paabot ng personal na paghingi ng paumanhin si Jinggoy kay Goma na gusto sanang mangyari ng huli. (Ulat ni Edwin Balasa)