Ayon kay NBI-NCR chief Atty. Edmund Arugay kinakailangan na muling kunan ng pahayag si dela Paz hinggil sa ilang background ng asawa ng aktres na si Rod Strunk dahil ito umano ang higit na nakakakilala dito at makapagsasabi sa tunay na naging kalagayan at pagsasama ng dalawa noong nabubuhay pa ang aktres.
Subalit sinabi ni Arugay na itoy hindi nangangahulugan na 100 porsiyentong wala itong kinalaman sa insidente ng pagpatay kay Blanca.
Ang nasabing alalay din ang siyang nagbulgar na hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawa dahil sa napakaraming bisyo ng lalaki.
Samantala, limang miyembro ng media na kinabibilangan nina Karen Davila at Connie Sison ng ABS-CBN, Jessica Sojo, Marisse Umalie at Jay Taruc ng GMA-7 ang ipapatawag din ng NBI upang kuhanan ng pahayag hinggil sa pakikipagpanayam ng mga ito kay Medel habang ito ay nakakulong sa CIDG detention cell.
Ayon sa NBI, magiging mabigat na ebidensiya laban kay Medel ang nasabing video tapes ng interviews dito dahil sinabi ni Medel sa kanyang unang pahayag na binubugbog si Blanca ng kanyang asawang Amerikano. (Ulat ni Grace Amargo)