Special elections sa 45 barangay sa MM, payapa

Naging mapayapa at maayos ang isinagawang SK at Barangay special elections sa may 45 barangay sa Metro Manila.

Ito ang naging ulat ni NCRPO Dir. General Edgardo Aglipay kaugnay ng maghapong pagsubaybay at pagbabantay na ginawa ng mga tauhan sa mga barangay na pinag  dausan ng eleksyon.

Tatlong barangay sa Quezon City, 4 sa Las Piñas at Manila at ang nalalabing bilang ay mula sa iba’t ibang barangay sa s area (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) na dumanas ng matinding pagbaha noong regular election day noong Hulyo 15, ang nagdaos naman kahapon ng special election.

Bagamat masama pa rin ang panahon, nakiisa pa rin at tinupad ang kanilang obligasyong bumoto ng mga residente, kabilang sa naantalang halalan.

Sa QC, maagang binuksan ang pagrehistro ng mga bumoto sa Brgy. Tatalon, Doña Imelda sa District 4 at Brgy. Mariblu sa District 1. Ang eleksyon ay nagsimula ganap na alas-7 ng umaga at natapos ng alas-3 ng hapon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments