Dakong alas-9 ng umaga nang pangunahan ng mga miyembro ng Samahang Nagkakaisa sa Tabing-Ilog South (SANTIS) at Samahan ng Walang Tahanan (SAWATA); Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Mararalita sa Lungsod (KPML); Zone One Tondo Organization (ZOTO) at ang SANLAKAS ang pagpapaanod ng mga bangkang papel sa ilog ng C-3 North Bay Blvd. South.
Sumama naman sa naturang lugar ang karamihan ng mga kabataang residente na nagpaanod ng mga bangkang papel na may mensaheng Walang Pagbabago, Walang Nabago."
Ayon kay Elizabeth Hermosada, pangulo ng SANTIS, ang kilos-protesta ay simula ng isang linggong gawain ng urban poor. Sinabi rin ng mga ito na dadalo sila sa kilos-protesta sa paggunita sa EDSA 2 celebration.
Problemado rin ang libu-libong urban poor ng Navotas dahil sa proyekto ni Mayor Toby Tiangco na multi-million peso mega flood-control project na nagresulta sa paggiba ng kanilang mga bahay.
"Nangako ang Pangulo na magpapatayo ng mga bahay para sa aming mahihirap pero baligtad ang nangyari dahil giniba nila ang tinitirahan namin. Nasaan na ang kanyang mga pangako?" ayon pa sa mga residente. (Ulat ni Gemma Amargo)