^

Metro

Bangkang papel pinaanod sa maburak na ilog para kay GMA

-
May isang libong bangkang papel ang ipinaanod sa maburak na ilog ng Navotas ng mga residente rito upang maiparating kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang ang kanilang pagkondena sa hindi nito pagtupad sa pangakong pagtatayo ng pabahay sa kanilang lugar.

Dakong alas-9 ng umaga nang pangunahan ng mga miyembro ng Samahang Nagkakaisa sa Tabing-Ilog South (SANTIS) at Samahan ng Walang Tahanan (SAWATA); Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Mararalita sa Lungsod (KPML); Zone One Tondo Organization (ZOTO) at ang SANLAKAS ang pagpapaanod ng mga bangkang papel sa ilog ng C-3 North Bay Blvd. South.

Sumama naman sa naturang lugar ang karamihan ng mga kabataang residente na nagpaanod ng mga bangkang papel na may mensaheng ‘Walang Pagbabago, Walang Nabago."

Ayon kay Elizabeth Hermosada, pangulo ng SANTIS, ang kilos-protesta ay simula ng isang linggong gawain ng urban poor. Sinabi rin ng mga ito na dadalo sila sa kilos-protesta sa paggunita sa EDSA 2 celebration.

Problemado rin ang libu-libong urban poor ng Navotas dahil sa proyekto ni Mayor Toby Tiangco na multi-million peso mega flood-control project na nagresulta sa paggiba ng kanilang mga bahay.

"Nangako ang Pangulo na magpapatayo ng mga bahay para sa aming mahihirap pero baligtad ang nangyari dahil giniba nila ang tinitirahan namin. Nasaan na ang kanyang mga pangako?" ayon pa sa mga residente. (Ulat ni Gemma Amargo)

ELIZABETH HERMOSADA

GEMMA AMARGO

MAYOR TOBY TIANGCO

NAVOTAS

NORTH BAY BLVD

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAMAHANG NAGKAKAISA

TABING-ILOG SOUTH

WALANG NABAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with