Ito ang sinabi ni MTPB Director Manuel Mendoza na plano din na ibalik ang dating pamamaraan ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na nagbawal sa lahat ng bus na galing probinsya at nagresulta sa pagluwag ng trapik.
Sinabi rin ni Mendoza na kung ganito ang gagawin ay tiyak na luluwag ang trapik sa Maynila dahil wala na ang malalaking bus na madalas ay nakahambalang sa kalye sa Maynila.
Inaasahan na hanggang 70 porsiyento ang iluluwag ng trapik sa sandaling ipatupad ang bagong hakbang na ito ng MTPB simula sa Lunes. (Ulat ni Andi Garcia)