^

Metro

Cinco ambus: Bodyguard ng dating Comelec director dinampot ng NBI

-
Dinampot ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bodyguard ng dating Comelec director Angelina Matibag kaugnay sa naganap na pag-ambush kay Comelec information chief Velma Cinco, noong nakalipas na Miyerkules.

Sumasailalim sa masusing interogasyon si Laverne Manzano, 32, ng Makati City. Siya ay dinampot ng mga ahente ng NBI dakong alas-9 ng gabi sa Comelec building sa Intramuros, Manila.

Ayon sa NBI, si Manzano na naka-employ bilang clerk sa Comelec’s Education and Information Department ay sinasabing kinuha ni Matibag para maging personal ‘back-up’ bodyguard.

Nakuha kay Manzano ang isang Ruger 9mm pistol.

Binanggit naman nito na ang naturang baril ay binili niya sa Twin Pines gun store sa Makati Cinema Square branch noong nakalipas na taon at ito ay may lisensiya,

Subalit binanggit ng NBI na ang gun license at permit to carry ni Manzano na kanyang prinisinta ay parehong peke.

Sinabi pa ng mga imbestigador na nagberipika sila sa Firearms and Explosives Division ng PNP sa Camp Crame at kanilang natuklasan na walang baril na naka-isyu dito.

Dahil dito, isasailalim si Manzano sa paraffin test para madetermina kung pinaputok nito ang kanyang baril. Ang nakuhang baril ay isasailalim din sa ballistic test para alamin kung ito ang ginamit sa inambus na Comelec official.

Itinanggi naman ni Manzano na may kinalaman siya sa naganap na pag-ambus kay Cinco kasabay nang pagsasabing nasa opisina siya ng maganap ang krimen.

Magugunitang sa isinagawang pag-ambus kay Cinco nasugatan din ang kanyang anak na si Carlo. (Ulat nina Ellen Fernando at Mike Frialde)

ANGELINA MATIBAG

CAMP CRAME

CINCO

COMELEC

EDUCATION AND INFORMATION DEPARTMENT

ELLEN FERNANDO

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

LAVERNE MANZANO

MAKATI CINEMA SQUARE

MANZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with