Bading tiklo sa pekeng passport at visa

Naglaho ang pangarap ng isang magandang bading na nakatakda sanang magtungo sa Estados Unidos upang magpa-opera at maging ganap na babae nang ipinatapon siya ng Japanese Immigration authorities dahil sa mga pekeng dokumento at pagpapanggap.

Sa ulat ni Bureau of Immigration officer Fortunato Manahan Jr., ang deportee ay nakilalang si Alvin Humabon, alyas Mirasol Granada, 33, negosyante ng Quezon City.

Si Humabon ay umalis ng bansa noong nakalipas na Mayo 19 lulan ng Japan Airlines patungong Amerika via Narita, gayunman bumalik ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng hapon matapos ipa-deport ng Japanese authorities.

Inamin ni Humabon na nabili niya ang pekeng pasaporte at US visa sa isang miyembro ng sindikato na nakabase sa Department of Foreign Affairs sa halagang P5,000.

Nabunyag sa mga awtoridad ng Japan ang mga huwad na travel documents ni Humabon pati na rin ang kanyang tunay na kasarian nang dumaan sa masusing interogasyon.

Nakatakda sanang magpa-sex transplant sa Amerika si Humabon na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Assistant Chief State Prosecutor Severino Gana Jr., chairman ng DOJ Task Force on Passport sa NAIA. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments