Kinilala ang suspek na si Delfin Austria na inaresto ng mga pulisya sa tinutuluyan nitong bahay ng kanyang kinakasamang babae sa Palanan St., Barangay Pitogo ng nabanggit na lungsod.
Samantala, ang misis nitong nagharap ng reklamo ay nakilala namang si Corazon Austria, 61, nakatira sa 179-A Luna St., Barangay San Joaquin, Pasig City.
Ayon sa pahayag ng ginang na dalawang taon na siyang niloloko ng kanyang mister matapos niyang madiskubre na ibinahay nito ang kalaguyo.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong concubinage at nakakulong ngayon sa Makati City Jail. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)