^

True Confessions

Hiyasmin (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Okey lang ba, Sir Dax na dumikit sa’yo?’’ tanong ni Hiyasmin.

“Oo naman. Sige dumikit ka sa akin at aakbayan kita. Para maging makatotoha­nan na magsiyota tayo.’’

Dumikit si Hiyasmin. Umakbay si Dax.

Maya-maya nakita nilang papalapit na sa kanilang mesa si Rez.

Nakita sila.

“Hi Hiyasmin!’’

“Hi!’’

“Naghahanap ako ng mauupuan,’’ sabi ni Rez na hindi ma­katingin kay Dax.

“Siyanga pala, Rez, boyfriend ko,’’ sabay turo ni Hiyas­min kay Dax.

“Good evening Sir!’’

Tumango lang si Dax.

“Sige Hiyasmin­, mag­ha­hanap ako ng upuan,” sabi ni Rez at umalis na hindi tumitingin kay Dax.

Nang makalayo si Rez ay nagtawa si Dax.

“Hindi makatingin sa akin. Akala yata lalamunin ko.’’

“Oo nga Sir Dax. Parang natakot sa’yo!”

“Pero pinanindigan niya na mas matanda talaga ako sa’yo—sir ang tawag sa akin, ha-ha-ha!

(Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with