^

PSN Showbiz

TAPE, nahihirapan daw maghanap ng talent!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa interview ni Pinky Webb ng CNN Philippines kay Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, ang Chief Financial Officer (CFO) ng TAPE Inc., nabanggit na may hosts na gusto sana nilang kunin para sa Eat Bulaga, pero nag-back out. Ang dami raw nilang nakausap na talents na biglang pinaatras ng kanilang management dahil nakatanggap ng death threats.

Hindi binanggit ni Bullet kung sino ang mga nakausap nila na nag-back out at hindi rin naman hiningan ni Pinky ng clues. May nabanggit pa si Bullet na kapag nakarating sa grupo ng TVJ ay magre-react.

Sabi ni Bullet, “On the day we were launching, meron pa kaming mga calls coming from the old group that was recruiting them to leave us para hindi kami maka-air.

“Sana naman po pinabayaan na lang kami. Nakuha naman nila gusto nila eh. Sila naman ‘yung umalis, hindi naman kami ang nagpaalis sa kanila.

“Let me rephrase that, hindi pananakot but I guess pressure. To give an e­xample, Karen, one of our singers, nagre­-rehearse na siya sa amin for the opening and umatras bigla. We don’t know why, sino nagpaatras, and bakit ginawa.”

Sino kaya ang Karen na ito na sabi ni Bullet, isa sa singer na dapat lalabas sa opening ng pilot telecast ng Eat Bulaga nila na bigla na lang umatras.

Ni-refute rin ni Bullet ang nabanggit ni Tito Sotto sa isang interview na hindi nila plano umalis noong May 31. Before the said date, alam na raw ni Mr. Romy Jalosjos na aalis sila. Kaya raw kumpleto ang Dabarkads dahil may i-a-announce at hindi raw kasama sa line-up si Tito Sen that day.

Paolo at Maine, pinagmalaki ang bagong tahanan

Nag-post ng Reel sa Instagram si Paolo Ballesteros na nakalagay ang mga network na pinanggalingan na ng Eat Bulaga mula sa RPN 9, ABS-CBN at GMA Network. Ang ganda ng pagkakagawa ng reel dahil ‘yung letter “J” ng TVJ, naging 5.

Ang caption ni Paolo sa kanyang post ay “Our new home” at marami ang nag-like at nag-comment na puro masaya na magbabalik na ang Eat Bulaga. Ang sabi ni Tito Sotto sa interview sa CNN, sa July na raw ang airing ng kanilang Eat Bulaga.

Pinag-uusapan ng netizens kung anong studio ang gagamitin ng TVJ at ng Dabarkads sa live telecast nila. Hindi na yata puwede ang APT Studio dahil ginagamit ‘yun ng Eat Bulaga ng Jalosjos camp. Tanong ng netizens, akala ba nila si Mr. Tony Tuviera ang may-ari ng APT Studio, bakit ang mga Jalosjos ang gumagamit at hindi ang TVJ?

Kabilang din si Maine Mendoza sa Dabarkads na natutuwa na may bago nang network ang Eat Bulaga. Pinost nito ang same Reel na pinost ni Paolo at ang caption ay “Tuloy ang isang libo’t isang tuwa @tv5manila.”

Rabiya, excited sa gagawin nila ni Dingdong

Sa presscon ng Royal Blood bukas, malalaman kung ano ang role ni Rabiya Mateo sa bagong teleserye ng GMA 7. Ang sabi, si Rabiya ang love interest ni Dingdong Dantes, pero may nag-comment naman na walang kapareha si Dingdong sa story.

Kapitbahay raw ng karakter ni Rabiya nina Dingdong at ng anak nito, at tutulungan ni Rabiya si Dingdong na alagaan ang anak nito.

Love interest man o hindi, very proud sa kanya ang dyowa niyang si Jeric Gonzales.

vuukle comment

TAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with