^

Kutob

Nobyembre 30, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maging alerto sa isang kaibigan na magyayaya. Huwag pumayag sa hihinging pabor dahil ikaw ang masisira. Magiging maganda ang resulta ng lahat ng bagay sa panig kung positibo ang isip. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 27, 38 at violet.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hindi biro ang gaga-wing desisyon kaya kumunsulta sa magulang, minamahal para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 28, 43 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang mga magtatangkang pigilan ka sa iyong plano ay huwag payagan dahil sariling kapakanan ang nakataya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 28, 38 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maging alerto sa lahat ng oras at mag-ingat sa mga kilala dahil magiging malapit ka sa mga mandaraya at mandarambong. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 35, 40 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Gusto mo man pagbigyan sila, mangi-ngibabaw ang hangarin na paghandaan ang sariling kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 37, 42 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Pag-aralan mo ang magandang paraan kung papaano magiging kaakit-akit para mapansin ng nakurkursunadahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 25, 38 at brown.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mahalin mo muna ang iyong sarili para mahalin ka rin ng iyong kapwa. Ang hindi magandang trato ay hindi pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 24, 41 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Paglilinis ng tahanan o opisina ang magi-ging prayoridad. Ang mga bagay na hindi na kailangan ay itapon o ipamigay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 27, 39 at orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Malilibang ka sa panonood ng palaro na magbibigay ng pan-samantalang kasiyahan sa bandang hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 33, 43 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Anumang tulong na ibinigay sa iba ay huwag maghangad ng kapalit. Huwag kang magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 13, 14, 34, 44 at purple.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi maiiwasan na makahingi ng pabor. Kung mainit ang ulo ng mahal, manahimik ka na lang muna. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 38, 42 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May pangyayari sa loob ng tahanan o pinapasukan na hindi magugustuhan, na siyang magiging sanhi ng pagkairita. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 36, 37 at red.
 

HOROSCOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with