Lalaki arestado sa 4 counts of rape

MANILA, Philippines — Walang boundary ang paghabol sa hustisya sa pagdakip sa isang 56-anyos na lalaking top most wanted sa kasong apat na bilang ng panggagahasa sa Masbate, na natunton sa Quezon City, sa ulat nitong Sabado ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Dakong alas-11:30 ng umaga nitong Hunyo 5, 2026 nang arestuhin sa Barangay Tandang Sora, Quezon City ng pinagsanib na puwersa ng Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD) at Milagros Municipal Police Station ng Masbate Police Provincial Office.
Isinilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu noong Mayo 15, 2026, ng Family Court, Branch 10, Masbate City, para sa two counts ng statutory rape at two counts of rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1 at 2 kaugnay sa Article 266-B.
Dalawa sa apat na kaso ay non-bailable, habang sa dalawa pa ay may inirekomendang P180,000.00 sa bawat isa.
- Latest





















