Misis todas, mister sugatan sa gun attack!
RODRIGUEZ, Rizal, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 26-anyos na ginang habang sugatan sa tama ng mga bala ang kaniyang mister nang pagbabarilin ng ‘di pa tukoy na salarin habang sakay ng motorsiklo sa , Rizal, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Mohanna Salipada, vendor at residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Ginagamot naman sa Casimiro Ynares Hospital si Zarip Salipada, asawa ng nasawi, na sugatan din dahil sa pamamaril.
Sa ulat ng Rodriguez Rizal Municipal Police Station, ala-1:20 ng madaling araw ng Nobyembre 30 nang maganap ang krimen sa Phase 1K2 Kasiglahan
Village Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Sa imbestigasyon, ang mag-asawa ay sakay ng Kawasaki CT 100 motorcycle na bumabagtas sa main road ng Phase 1K2 nang biglang lumutang ang suspek na armado ng baril at mabilis na pinaulanan ng mga putok ang dalawa.
Nagresulta sa kagyat na kamatayan ng babae habang ‘di naman napuruhan ang mister nito.
Nakitang tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Sub Urban Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
Nagsasagawa ng follow-up operation, pagkalap ng witness at CCTV footage na makakatulong sa pagtukoy ng mga suspek.
Wala pang lead at motibo sa pamamaslang.
- Latest