‘Panhik Bhutan 2’

My wife Eileen and daughter Jocas at the Tiger’s Nest in Bhutan!

As promised last week here’s the Bhutan continuation —

Pero bago lahat here for your information —

I didn’t see a ram-Bhutan but there’s watermelon

At syempre pa ang tawag nila’y Bhutan-pakwan!

 

Ngek! Wala rin akong nakitang Louis Bhutan!

Ang hindi ko alam kung shoes ng Queen Lo-Bhutan!

Nagpapatawa lang dahil sa kasaysayan

Nang mag-panhik Bhutan ay naging panic Button!

 

August 4 at nagkataong kami’y nandun pa

At ipinagdiriwang ang pinakauna

Sa mga sermon na binigkas ni Lord Buddha

Tungkol sa katotohanan ng pagdurusa!

 

At nung August 7 ay aakyat na sana

Sa matindi sa tarik na Tiger’s Nest nila

Ngunit ‘di malunok turo-turo ni Buddha

At iwas muna sa lasa ng pagdurusa!

 

Kaya ayun ako at hindi nakasama,

Tumuloy si Jocas at ang aking asawa!

At sa kabutihang-palad natapos nila!

Eh sa ayokong napapagod eh bakit ba?!

 

At dahil mataas dito sa Himalaya,

Akala ko kasi I’ll be hirap huminga

But oks pala dahil oxygen all around ya

Dahil puro puno napapali-Bhutan ka!

 

Ang hindi ko kasundo sa Bhutan isa lang —

Hindi kasi ako mahilig sa maanghang!

Mga pagkain nila ay medyo matabang

Pero ang mga tao ay very sweet naman!

 

One of the best pritong isda dito natikman!

Galing pa raw India at Pankash ang pangalan!

Maliit na peras sa puno pinitas lang,

Pinakamatamis na yatang nalasahan!

 

Ang aayos ng kalye ciudad o bundok man!

Kalikasa’y talagang inaalagaan!

Bawal nga mangaso sa mga kagubatan!

Pagpatay nga ng lamok ako pa’y nailang!

 

Kung may “Askal Capital of the World” Bhutan na!

Nagkalat sa kalye kasama mga baka!

Tumatakam na lang pag “Horned Beef” nakikita

Kaya sa trip na ‘to nagbaon ng de-lata!”

 

Maganda pa rito ay nag-Iingles sila!

At katulad mga Hapon madisiplina!

At may isang bagay pa nga akong napuna —

Bhutan and Japan may Phallusophy dalawa!

 

In Bhutan merong “Phallus” painted on some houses!

To ward off evil o anak sila ay ma-bless!

Sa isang bansang may Gross National Happiness,

To some they find this Gross but to others … Happiness!

 

Dahil high ang lugar at wow pare sa ganda,

May ilang damo sa bundok na alam n’yo na!

Malisya tuloy maybe that’s why happy sila?

But ‘di nila trip … part lang ng nature kumbaga!

 

True! may mga “damo” na ligaw sa kanila!

But not wild Bhutanese sa cannabis! Basura!

Ngek! Ingay ko baka maraming mangolekta!

Well, hanapin n’yo sa bundok nang may tama ka!

 

Sa bundok ng Bhutan para lang makahiya!

Binabayaan la’t pumapansin ay wala!

Bawal nga run mangahoy pati na mangisda!

Kalikasan at buhay hindi sinisira!

 

Hari sa Bhutan lumagpas na sa baraha

Pagkat sa kasalukuyan meron nang lima!

Ngunit ang tatay nung ngayon ay kakaiba —

Apat na magkakapatid naging asawa!

 

Ngek! Ngek! Ngek! Ngek! Eh pwede kasi sa kanila!

But he introduced sa Bhutan ang demokrasya!

Konsepto ng “One Nation, One People” sa kanya!

Pero sa “One King, Four Queens” ay patay-malisya!

Show comments