Host: Anong “S” ang English ng ANIT? Five letters ito.
Contestant: Scales!
(Time ran out but as usual, we continued to lead the contestant for the correct answer while giving out clues)
Host: Hindi! Five letters lang.
Contestant: Scale!
Host: Naku, malapit na! Palitan mo lang ‘yung letter sa dulo. (Nag-iisip pa rin) Teka, alam mo ba kung ano ang anit?
Contestant: Opo!
Host: Okay, o, saan ang anit mo? (Contestant points to his scalp) O, ano ngayon ‘yan sa Ingles?
Contestant: Ayunnn... Skull!
Pwede rin naman, kunsabagay. Isang manipis na balat lang ang deperensya at pagitan eh.
* * *
Host: Sinong “A” ng grupo ang nagpasikat sa mga kantang ginamit sa pelikulang Mamma Mia?
Contestant: Aegis!
Ababababa, sikat na tayo talaga!
* * *
Host: Sinong “W” na Hollywood actor ang may apelyidong “Smith” ang naging bida sa pelikulang Men In Black?
Contestant: Well? Well!
(Ordinarily, when in doubt, we ask them to spell out their answers)
Host: Okay, spell!
Contestant: W — E — L — L!
Well, it’s really like that in our neighborhood.
* * *
The following happened last Feb. 19.
Host: Anong “B” na church sa Malolos ang makikita sa likod ng ten-peso bill ng Pilipinas?
Contestant: Brazilian!
Ouch! That’s point shaving!
And it happened again on March 4. Yes, sometimes, we repeat some questions by mistake.
Host: Anong “B” ang church sa Malolos ang makikita sa likod ng ten-peso bill ng Pilipinas?
Contestant: Bulacan!
* * *
Host: Anong “S” ang mine-memorize ng mga artista sa teatro at pelikula kung saan nakalagay ang kanilang dialogue at eksena?
Contestant: SPEECH?
Wa ako speak!
* * *
Host: Anong “S” ang nawawalang salita sa kantang ito na may linyang: “ You light up my life, you give me hope to carry on, You light up my days and fill my nights with (blank)”?
Contestant: Sorrow!
Ang lungkot naman ng sagot mo.
* * *
Host: Sinong “J” ang asawa ni Yoko Ono?
Contestant: Jocelyn!
Not Beatles, but T-Belles!
* * *
Host: Ano ang “T” na isda ang kilala sa General Santos City?
Contestant: Tilapia!
Anak ng tinapa! Tuna!
* * *
Host: Anong “H” na kilalang tourist spot ang matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan? Two words ito.
Contestant: Hagonoy!
Hundred times Ngek!
* * *
Host: Anong “J” ang capital ng Sulu?
Contestant: Japan?
Sulu Wrestling, anyone?
* * *
Host: Anong “W” ang Ingles sa ALON ng dagat?
Contestant: Water!
Hoy bakit, kung walang water eh di walang waves!
* * *
Host: Anong “J” ang palabas sa GMA-7 ngayong Linggo bago mag-S.O.P. (na meron din every Saturday before Eat, Bulaga!), at anong “W” ang palabas naman every Sunday at 6 p.m. sa TV5?
Contestant: Joey’s Quirky World and Wow, Mali!
Host: Korek!