Dear Dr. Love,
Tinatanong ako ng crush ko kung nanliligaw ba ako o ano? Ayaw ko namang manligaw kasi naba-basted lang ako. Ang gusto ko lang ay makita at matitigan siya, ganun. Napaka-weird ko raw kasi kapag nakikita ko siya, ang tahimik ko at hindi na ko gumagalaw. Panay tingin na lang daw ako. Eh, dati naman daw hindi ako ganun.
Eh, kasi dati alam ko may bf siya, ngayo wala na kaya napapansin ko na siya at lalong kong naa-appreciate ang ganda niya. Feeling ko kapag nanligaw ako, lalo lang akong matotorpe at baka ma-bored lang siya sa akin.
Esmael
Dear Esmael,
Posibleng naguguluhan siya sa kilos mo dahil dati normal ka lang sa kanya, pero ngayon bigla kang nagiging tahimik at parang natutulala. Kung hindi mo lilinawin, baka isipin niyang creepy o awkward ka, lalo na kung panay tingin ka lang.
Kung may gusto ka sa kanya, baka dapat subukan mong maging kaibigan muna siya. Magagawa mo ito kung lalakasan mo ang loob mo. Simulan mo sa pagiging normal ulit sa kanya. Hindi mo kailangang magmadali, pero huwag mong hayaang puro tingin lang ang interaction ninyo.
DR. LOVE