Nakadispalko

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Susan, 32 anyos at may asawa.

Nagkasakit  ang kaisaisa kong anak at nangailangan ako ng beinte mil. Pinagkakatiwalaan ako ng aking amo bilang kahera sa kanyang grocery. 

Ang beinte mil na kailangan ko ay kinuha ko sa kaha at hindi ko sinabi sa amo ko na nagbabakasyon sa Hongkong. Babalik na siya ngayon at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Natatakot ako na mawala ang tiwala niya sa akin.

Ano gagawin ko?

Susan

Dear Susan,

Ang P20 libo ay hindi naman malaking halaga at nang kunin mo ‘yun ay nasa mahigpit na pangangailangan ka.

Magsabi ka ng totoo sa amo mo at naniniwala akong mauunawaan ka niya. Upang pagkatiwalaan ka ng amo mo, tiyak kong may mabuti siyang puso at hindi ka niya kokondenahin sa ganyang halaga.

Mangako ka lang na ibabalik mo ito.

Dr. Love

Show comments