Dear Dr. Love,
Hi, hello and hope you are doing fine. I have been reading your column for the past two years now at ngayo’y heto ako at hihingi rin ng payo.
Ako si Edith, isang saleslady at may asawa. Ang mister ko ay walang trabaho dahil stroke victim. Sa house lang siya palagi.
Problema ko po ang isang manliligaw na masyadong persistent kahit alam niya na may asawa na ako.
Natatakot po ako dahil kung minsa’y umuuwi ako ng dis-oras ng gabi. Nagbabanta kasi siya na makukuha niya ako sa ayaw ko at sa gusto. Ano ang dapat kong gawin?
Edith
Dear Edith,
Ipa-blotter mo ang mga banta niya sa iyo at kung may kapatid kang lalaki o sino man na puwede mong makasabay sa pag-uwi, humingi ka ng tulong.
Sabihin mo rin sa asawa mo ang problema para alam niya ang situwasyon mo.
Maaari ka ring magsabi sa management para huwag ka na lang bigyan ng assignment sa dis-oras ng gabi.
Sa katayuan mo ngayon, dobleng pag-iingat ang kailangan.
Dr. Love