Bakit biglang nagbago?

Dear Dr. Love,

Kumusta Dr. Love? Isa lang ako sa mga avid reader ng inyong column.

Please just call me Kim, 17 year old pero many say that I look younger than my real age. Marami sa mga suitors ko ay bata sa akin ng isa, dalawang taon.

Meron po akong manliligaw. Just call him Nick, 16 years old. I fell in love with him mula nang una ko siyang makilala. Nag-umpisa siyang manligaw sa akin noong February ng taong ito, 2010.

Sinagot ko siya just two months ago. Noong umpisa pa lang po ng aming relasyon ay palagi kaming magkasama. Malambing siya sa akin kung inihahatid niya ako sa amin ay hinahalikan niya ako bago siya umaalis. Nagtaka na lang ako dahil lately, bigla siyang nagbago. Wala na ‘yung dating saya at pagiging sweet niya sa akin pero hindi naman ako nagbabago.

Dr. Love, sa tingin mo hindi na niya ako mahal?

Kim

Dear Kim,

Hindi ko masasagot ang katanungan mo kung mahal ka pa ng bf mo o hindi.

Kausapin mo siya to find out the real score. Hindi masagwang kausapin mo siya dahil magsyota naman kayo and it is most unfair sa babae o lalaki kung nagpakita ng panlalamig ang kanyang kasintahan nang hindi niya alam ang dahilan.

Paalaala lang. Sa gulang mong 17, lubhang maaga pa para umibig nang seryoso. At lalong totoy na totoy pa ang boyfriend mo kaya hindi mala­yong magbago siya ng damdamin dahil sa mura niyang edad.

Huwag mong masyadong dibdibin ang problema mo and concentrate on your studies for a brighter future.

Dr. Love

Show comments