Dear Dr. Love,
Bayaan mo na bumati muna ako sa iyo at sa libu-libong tagahanga at mambabasa ng Dr. Love column.
Sana ay mapagbigyan mong mailathala ang sulat ko dahil kailangan ko ang iyong payo.
Hindi ko na babanggitin ang totoo kong pangalan. Tawagin mo na lang ako’ng Randy, 31 anyos. Nagkaroon ako ng kasintahan noong araw. Mahal na mahal ko siya, she being my first love. Bigla na lamang siyang naglaho. Hinanap ko siya pero nabigo ako. Nabalitaan kong nag-abroad siya at nagpakasal sa isang German national.
May bago akong kasintahan ngayon. Mahal ko rin siya pero hindi katulad ng pag-ibig ko sa una.
Nasorpresa ako dahil nakipagkita siya muli sa akin. Sabi niya’y naghiwalay na sila ng kanyang asawang German at nakikipagbalikan sa akin. Humingi rin siya ng tawad at pinatawad ko naman, pero pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko pa siya o hindi. Kung ikaw ako, babalikan mo pa ba siya?
Randy
Dear Randy
Nasa sa iyo ang desisyon. Love is all that matters. Kung mahal mo siya talaga, bakit hindi? May kasabihang love is lovelier the second time around.
But of course, masasaktan ang kasintahan mo ngayon. Dalawang bagay ang dapat mong timbangin at tingnan mo kung ano ang matimbang sa iyo.
Hindi madali ang problema mo pero kailangan kang magdesisyon.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.