Financial security
Dear Dr. Love,
Ako po si Jenny P., 23 years-old at isang saleslady sa isang kilalang mall sa
Gusto kong ikonsulta ang aking problema sa pag-ibig at umaasa akong mapagpapayuhan mo ako. Mayroon akong boyfriend. Tawagin mo na lang siyang Jimmy.
Estudyante pa kami ay mag-on na kami. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang fastfood restaurant.
Pareho kaming nagtapos ng Business Management pero hindi pa pinapalad makakita ng maganda-gandang trabaho.
Ayaw ko namang magpakasal agad dahil hindi kami financially stable.
Mayroon akong manliligaw ngayon. Guwapo siya at mayaman at matanda sa akin ng sampung taon.
For practical reason, parang gusto ko na siyang tanggapin at makipag-break kay Jimmy.
Tama ba ang binabalak ko?
Jenny
Dear Jenny,
Kung magpapakasal ka sa ibang lalaki just for financial security, huwag na lang. Sa pagpapakasal, kailangang mayroong elemento ng pag-ibig. I presume nagtagal kayong dalawa ni Jimmy dahil true love ninyo ang isa’t isa.
Mas maganda kung magsisikap kayong dalawa para makapagpundar ng magandang kinabukasan para sa bubuuin ninyong pamilya. Tutal, puwede naman ninyong i-postpone ang pagpapakasal until such time na maganda na ang inyong kabuhayan. Mag-usap kayo at magplano, tutal, pareho kayong may pinag-aralan.
Maraming negosyo ang maaari ninyong pasukan at akmang-akma ang kursong natapos ninyo.
I’m sure kung mangyayari iyan, mas magiging maligaya kayo dahil ang future ninyo ay talagang pinaghirapan at pinagsikapan ninyo.
Dr. Love
- Latest
- Trending