Good day to you and to all the staff members of PSN. Sumulat po ako para humingi ng payo sa karanasan ko sa pag-ibig. Tawagin na lamang po ninyo akong Jing-Jing, 17 years-old at taga-Ozamis.
Mayroon po akong boyfriend. Tawagin na lamang natin siyang R.M., 24 years-old. Magkapitbahay po kami at first love ko po siya. Noong ako ay nasa second year high school, lahat ng projects ko ay siya ang gumagawa at matataas ang nakuha kong grades. Tapos noong nag-third year ako, binigyan niya ako ng tatlong notebooks.
Ang sabi niya, sana raw ay hindi ko siya malimutan bilang isang kaibigan. Noong buwan ng Mayo, nanligaw siya sa akin pero ang sabi ko ay ayaw ko munang magka-boyfriend dahil gusto kong matapos ng pag-aaral. Hihintayin daw niya ako, sabi niya.
Pagkalipas ng anim na buwan, sinagot ko siya. Noong ako ay nasa 4th year high school, minsan ay umuwi ako sa boarding house namin na may kasamang isang kaibigan. Sinundo pala niya ako at nakita niya kami nung kasama ko.
Nagalit siya sa akin at nagkahiwalay kami. Pero nagkabalikan din kami kaya lang ay may nalaman akong balita na mayroon siyang ibang nililigawan.
Dr. Love, naguguluhan ako sa relasyon namin. Ngayon ay nasa Maynila siya at wala na akong balita sa kanya. Nagpadala ako sa kanya ng sulat pero wala siyang response. Wala rin siyang tawag sa akin.
Sana ay payuhan ninyo ako. Marami pong salamat at hihintayin ko ang sagot ninyo.
Gumagalang,
Jing-Jing
Dear Jing-Jing,
Iba ang kaibigan sa magkasintahan. Sa magkasintahan, nagkakaroon ng tampuhan o selosan. Kaya kailangan kang mag-adjust lalo pa't first time mong magka-boyfriend.
Marahil, may iba siyang niligawan dahil may tampo siya sa iyo. Nagselos siya nang may kasabay kang ibang lalaki.
Dapat, nag-usap kayong maigi dahil ang komunikasyon ay mahalaga sa isang relasyon. Kapag nagkita kayo, pilitin ninyong magkaliwanagan para maging maayos na ang inyong relasyon.
Dr. Love