Ang Kapitbahay (129)
KINABUKASAN, maagang nagdilig ng halaman at nagwalis sa bakuran si Vince. Pero ang layunin niya: makausap si Renan.
Hindi pa siya nagtatagal sa pagdidilig ng halaman, narinig niya ang pagtawag ni Renan.
“Pareng Vince!”
Lumingon si Vince.
“Pareng Renan!”
Itinigil ni Vince ang ginagawa. Lumapit kay Renan. Kinamayan niya. Si Renan na ang nagsabi nang mga dinadalang problema. Siguro’y dahil sa kawalan nang mapaghihingahan.
“Minalas ako, Pareng Vince,” sabi ni Renan. “Nagpakabuti ako sa Saudi pero, masama ang iginanti sa akin.”
Nakikinig lamang si Vince. Hinayaan niya si Renan na isiwalat ang laman ng dibdib.
(Itutuloy)
- Latest



















