VP Sara ‘di tatakasan Pinas
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Vice President Sara Duterte na wala siyang planong magtago o umalis ng bansa, sakaling ipag-utos ang pag-aresto sa kanya bunsod ng ilang reklamong kinakaharap.
“No, I don’t plan to leave the country. I don’t plan to hide mainly because my children are here,” ayon pa kay VP Sara, sa isang pulong balitaan.
Matatandaang si VP Sara ay kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na sabihing may kinausap na siyang tao na papatay kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, sakaling mapatay siya.
Kahapon ay nagdaos ang NBI ng pagdinig sa kaso ng bise presidente, ngunit hindi siya dumalo dito.
Nagpadala na lamang si VP Sara sa kanyang abogado ng liham sa NBI at pinabulaanang pinagbantaan niya ang buhay ng Pangulo.
Samantala, sinabi rin ni VP Sara na hindi siya nagsisisi na binitiwan ang pahayag laban sa Pangulo, sakaling mapatay siya.
Aniya, “buti na alam nila na ‘pag namatay ako, I will not die in vain.”
Nahaharap din si VP Sara sa impeachment complaints sa Kongreso.
- Latest