^

Bansa

Pangulong Marcos: pagpapaliban ng BARMM elections, pinag-aaralan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: pagpapaliban ng BARMM elections, pinag-aaralan
Palace: Philippines safer under Marcos President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on October 11, 2024.
PPA pool photos by Revoli S. Cortez

MANILA, Philippines — Patuloy na pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaliban sa parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sana sa Mayo 2025.

Sa ambush interview sa Lingayen, Pangasinan, sinabi ng Pangulo na maraming implikasyon ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na naghiwalay sa probinsya ng Sulu sa BARMM.

“Well” we are still studying  it. Some of the local officials are saying because  the Supreme Court decision of separating Sulu from BARMM. maraming implications in terms of the changes of the delay. kung kaya natin. Baka hindi nating kayang gawin by May of next year,” pahayag ng Pangulo.

Kabilang sa mga tinukoy na problema ay ang mga distrito  na nawalan ng kongresista at walang kinabibilangang probinsya, at mga munisipalidad na walang distrito at wala ring probinsya.

Dahil umano sa pag-aalis ng Sulu sa BARMM, kailangang palitan ang batas kaya’t tatrabahuhin ng Bangsamoro Transition Authority ang bagong sistema sa bagong administrative code, local government  code, at electoral code.

Ayon kay Pangulong Marcos, sisikapin pa ring maisabay ang BARMM elections sa 2025 midterm elections, ngunit kung ­hindi ito kakayanin ay mainam nang ­maitama muna ang mga im­plikasyon sa halip na ito ay madaliin dahil posibleng magresulta lamang ito sa gulo.

BARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with