^

PSN Palaro

Bambol pa rin

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bambol pa rin
Muling nahalal na POC president si Abraham “Bambol” Tolentino matapos talunin si Chito Loyzaga sa ginanap na POC elections. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Bong Coo, Len Escollante, Richard Gomez, Atty. Teodoro Kalaw, Alvin Aguilar, Donaldo Caringal, Alexander Sulit, Dr. Raul Canlas at Fr. Encarnacion. Idineklara ring panalo sina Al Panlilio, Ferdinand “Ferdie” Agustin (judo) at Leah Gonzalez (fencing)

MANILA, Philippines — Muling nahalal si Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos tambakan si Chito Loyzaga ng baseball association kahapon sa POC elections.

Nakakuha si Tolentino, presidente rin ng cycling federation, ng 45 boto kumpara sa 15 ni Loyzaga, dating PBA player, sa halalang idinaos sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City.

Ang 61 voting members ay binubuo ng 58 National Sports Associations (NSAs), sina EJ O­biena at Nesthy Petecio ng Athletes’ Commission at International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski.

“Hindi naman para sa amin ito eh. Hindi para sa akin, para sa POC, para sa bayan, at para sa atleta. We will continue what we’ve started,” wika ng Tagaytay City Mayor.

Nauna nang nailuklok ang 60-anyos na si Tolentino bilang POC president noong 2019 hanggang 2020 matapos saluhin ang naiwang termino ni Ricky Vargas sa isang special election.

Muli siyang nahalal na POC chief noong 2021 at nagsilbi hanggang ngayong taon sa isang regular poll.

Ang matagumpay na pamamahala ni Tolentino sa POC ang nagbunga ng makasaysayang kampan­ya ng Team Philippines sa nakaraang dalawang edis­yon ng Olympic Games.

Binuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang ka­una-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo Games noong 2021 kasunod ang double-gold ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa Paris nitong taon.

Winalis din ng “Working Team” ni Tolentino ang iba pang posisyon sa POC.

Panalo sina Sama­hang Basketbol ng Pilipi­nas (SBP) president Al Panlilio (first vice president), Richard Gomez ng modern pentathlon (second vice president), Jose Raul Canlas ng surfing (treasurer) at Don Caringal ng volleyball (internal auditor).

Naiboto sa POC Exe­cutive Board sina Len Escollante ng canoe kayak, Alvin Aguilar ng wrestling, Ferdie Agustin ng jiu-jitsu, Ali Sulit ng judo at Leah Gonzalez ng fencing.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with