Road rage: Rider todas, 3 sugatan

Suspek kinuyog, namaril
MANILA, Philippines — Patay ang isang rider habang tatlo ang sugatan kabilang ang sariling misis ng gunman na nagmamaneho ng isang SUV, sa Barangay Boso-Boso, Antipolo, Linggo ng hapon, Marso 30.
Kasalukyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktimang rider at mga sugatan.
Hindi muna pinangalanan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang suspek na nadakip din ng mga tauhan ng Antipolo Police sa isang checkpoint.
Bago ang insidente, ipinakita sa isang video na nag-away ang suspek at isa pang lalaking nakasuot ng helmet habang ang iba ay nagtangkang makialam.
Biglang bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok ng maraming beses dahilan para bumagsak ang isang lalaki.
Sa isa pang video, isang lalaki na nakasuot ng helmet ang nakitang kasama ng isang pang rider na nakasagutan at nakasuntukan ng gunman, bago ang pamamaril.
“Nahuli ang suspect na nambaril ng kanyang nakaalitan sa daan. Sa rami ng beses niya pinaputok ang kanyang baril, pati misis niya ay kanyang tinamaan, ani” Ynares .
“Dinala sa hospital ang mga sugatan kasama ang kanyang maybahay. Isa ang nasawi sa nasabing insidente ngayong hapon, aniya pa.
Samantala, nagpaalala si Ynares sa mga motorista na habaan ang pasensya lalo na sa kalsada.
“Lamig ng ulo sa daan ang kailangan. Drive safely, Antipolo. Hindi mahalaga kung sino ang tama at sino ang mali. Keep your cool all the time. It’s not worth it. Ipaubaya po sa Diyos ang lahat,” ani Ynares.
- Latest