^

PSN Showbiz

Kim, apektado!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, apektado!
Kim Chiu

Kamakailan ay ikinagulat ng sambayanan ang pamamaalam sa Eat Bulaga nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Mahigit apat na dekada nang napapanood sa telebisyon ang naturang noon time show kaya naman talagang ikinalungkot ito ng mga tagahanga.

Isa si Kim Chiu sa mga naapektuhan sa nangyari. Ang aktres ay isa sa mga host ng It’s Showtime na katapat ng Eat Bulaga. “Change is nandiyan talaga ‘yan eh. Parang hindi naman natin mababago ‘yan. Then ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there. Kahit saan man sila mapunta or kung ano man. Susuporta at susuporta, walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila. Kung ano ‘yung desisyon nila and whatever is happening, sa base nila, it’s for them,” makahulugang pahayag ni Kim.

Ayon sa aktres ay nakakapanood siya ng Eat Bulaga mula pa noong kanyang kabataan. “Of course, ‘yung respeto natin sa kanila nando’n talaga, sila talaga ‘yon,” dagdag niya.

Para kay Kim ay dapat na nagkakaisa at nagsusuportahan ang bawat isa sa show business. Inaasahan ng dalaga na magiging maayos ang lahat ng mga nangyayari sa entertainment industry ngayon. “We have to keep on supporting kung saan man sila magpunta. And that’s what they need also, the support. Lahat naman tayong mga artista kailangan natin ‘yung suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa,” pagtatapos ng dalaga.

Laurice, nangatog sa lamig habang nagso-shooting

Matagal-tagal nang hindi naging aktibo sa paggawa ng proyekto si Laurice Guillen. Kabilang ngayon ang aktres sa Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA para makagawa ng isang magandang serye. “No’ng panahon ko, ‘yung exclusive ka sa ABS-CBN or GMA. So now you get to work from all the networks na at that time hindi nagawa ‘yon. But this time, one of the advantages of this collaboration is that for the production, they can cast anybody they want to cast. Noong araw kasi if you belong to one network, you’re just confined kung sinong nakakontrata doon. So this time, may freedom to cast,” pagbabahagi ni Laurice.

Isang masayang karanasan para sa batikang aktres ay direktor ang kanilang naging taping ng serye sa Switzerland.

Mayroong ilang mga pagkakataon na nahirapan din si Laurice sa trabaho. “As an actress nag-enjoy ako do’n. especially because I got to work with people I know and some of the younger ones na ang climate ng taping is that everyone was really behaving professionally. It was fun and challenging. Challenging kasi matagal nang hindi ako umarte. ‘Pag ikaw ‘yung direktor, utak ang gumagana. Dito, ‘yung buong katawan ang gumagana. I had this scene with Joshua, that was really hard because ang hirap tandaan ng linya in the middle of all the things that I had to go through. When we were in Europe, winter and may eksena kami na nangangatog kami sa lamig na gagamitin talaga mind over matter. It was fun because I don’t get to do that as a director,” pagdedetalye niya. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with