^

Bansa

SC pinayagan si David na tumakbong VM sa Limay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SC pinayagan si David na tumakbong VM sa Limay
Sinabi ng SC Public Information Office (SCPIO) na pinagbigyan ng mataas na hukuman ang ­petisyon ni David na humiling na baligtarin ang resolusyon ng COMELEC na nag-reject sa kanyang COC.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinayagan ng kautusan ng Korte Suprema (SC) kahapon na tumakbo bilang vice mayoral candidate sa Limay, Bataan sa halalan ngayong taon si Marie Grace David matapos unang tanggihan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanyang certificate of candidacy (COC).

Sinabi ng SC Public Information Office (SCPIO) na pinagbigyan ng mataas na hukuman ang ­petisyon ni David na humiling na baligtarin ang resolusyon ng COMELEC na nag-reject sa kanyang COC.

Pinagbigyan ng SC en banc ang petisyon ni David at permanenteng pinagbawalan ang poll body na ipatupad ang resolusyon nito noong Enero 2025.

Sa isang pahayag, sinabi ng SC na naghain si David ng kanyang COC at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong Disyembre kasunod ng kanyang nominasyon sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas bilang kahalili ni Richie Jason David.

Binawi ni Richie Jason ang kanyang COC noong Disyembre 6, 2024.

Naghain din si Marie Grace ng petition for ­substitution and inclusion sa opisyal na listahan ng mga kandidato o balota sa Comelec.

Gayunpaman, tinanggihan ng poll body ang kanyang paghalili, at nagdesisyon na nabigo umano si David na maghain ng kanyang COC at CONA sa loob ng itinakdang panahon sa pagsasabing ang deadline para sa substitution ay noong October 8.

Gayunman, sinabi ng SC na ang Comelec ay gumawa ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya na hindi pinapayagan ang paghalili ni David.

Natuklasan na ganap na sumunod si David sa iniaatas ng Seksyon 77 sa ilalim ng Omnibus Election Code, na nagbibigay ng timeline para sa substitution, bilang isang bona fide na kandidato para sa posisyon.

Hiningan ng komento sa usapin, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na kasama na ang pangalan ni David sa mga balota dahil sa TRO.

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->