MANILA, Philippines — Bumaba sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang naturang percentage ay may 12 points na mababa mula sa 58 percent noong December 2023.
Ang 46 percent ay pinakamababa sa loob ng 20 taon mula noong 2004.
Nasa 36 percent naman ang naniniwala na magiging masaya sa kanilang relasyon habang 18% ang nagsabing wala silang love life.
Kumpara sa 2023 figures, masaya sa kanilang love life ay pareho lamang sa mga babae at lalaki laluna sa mga lalaki na may live-in partners.
Karamihan din sa mga Pinoy ay naipapakita ang kanilang pagmamahal tulad ng pagluluto ng pagkain, pagtulong sa gawaing bahay o pag-aayos ng mga bagay sa loob ng bahay nang may pagkukusa.
Ang paglalaan ng oras at panahon ang pinaka-ikalawang common sa love languages sa hanay ng mga Pinoy na 51 percent.
May 29% ang pagbibigay ng regalo ang nagpapakita ng pagmamahal at 33% ang physical touch.
Nasa 10% ang nagsabing mas matimbang ang pera kaysa Love at companionship.
Ang non-commissioned SWS survey ay ginawa face-to-face interviews sa 2,160 adults na may edad 18-anyos pataas.