Philippines, US joint war games mas palalawakin

MANILA, Philippines — Masusing pinag-aaralan na ng Pilipinas at Estados Unidos ang paglulunsad ng mas malawak at mas pinalaking joint military war games sa bansa.

Kasunod ito ng pagpupulong nina AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr at US Joint Chief of Staff (JCS) Chairman Gen. CQ Brown via phone nitong Pebrero 10.

Sa nasabing pagpupulong ay tinalakay ni Brown na mahalaga ang domain awareness sa Pilipinas para sa kapabilidad nitong maigting na mabantayan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

“The US continues to closely partner with the Philippines and remains committed to maintaining a strong alliance founded upon shared strategic interests and democratic values,” anang JCS.

Una nang inianunsyo ng AFP na ang gagana­ping Balikatan joint military exercises ngayong taon katuwang ang US forces ay isa sa pinakamalaki sa buong kasaysayan.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal pa ng Phl at US military officials ang mga pipiliing venue at anu-anong uri ng war drills ang ilulunsad para sa nasabing magkatuwang na military drills.

Show comments