^

Bansa

P178.5 milyong smuggled mackerel ipinamigay sa 150K pamilya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P178.5 milyong smuggled mackerel ipinamigay sa 150K pamilya
Nakapila ang mga taga-Port Area, Maynila para sa ipinamahaging mga frozen mackerel na nasabat kamakailan mula China. Pinangunahan ni Pangulong Mar- cos ang pamimigay sa 150,000 mahihirap na pamilya.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang mackerel sa mga residente ng Baseco, Port Area sa Maynila.

Sa ginanap na event, iginiit ng Pangulo ang pagtutok ng gobyerno sa pagtugis sa mga smugglers at sa mga hoarders ng mga produktong agrikultura at pangisda.

“Naiba po ang pamasko namin. Imbes na hamon at mga lechon, isda, tulingan ang aming dala. Para naman hindi masayang,” sinabi pa ni Pangulong Marcos sa pamamahagi sa Benigno S. Aquino Jr. Elementary School Gym.

Umaabot sa 21,000 pamilya ng Barangay 649 sa Baseco ang mga nakatanggap ng mga donasyon mula  sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang bawat pamilya ay nakatanggap ng dalawang kilo ng mackerel.

Ang mga nagyeyelong mackerel ay ipamamahagi rin sa mga pinakamahihirap na barangay ng 17 iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Obando at Meycauayan sa Bulacan, at Bacoor sa Cavite.

Ang mga piling city jail, pampublikong ospital, at iba’t ibang pasilidad ng pangangalaga ay makakatanggap din ng mga nakumpiskang mackerel at tinatayang 150,000 pamilya ang makinabang mula sa donasyon.

Noong Setyembre 28 at 29, 21 na container ng frozen mackerel na ipinadala mula sa China, na tinatayang nagkakahalaga ng PhP178.5 milyon, ay nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP).

Iniimbestigahan na rin aniya ang consignee ng shipment ay iniimbestigahan dahil sa paglabag  sa Memorandum Order No. 14, s. 2024, na nagsususpinde sa Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa importation ng round scad, mackerel, at bonito.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with