DA-BFAR pinagtibay closed-fishing season
MANILA, Philippines — Pinagtibay muli ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang kanilang pangako sa closed-fishing season bilang kritikal na hakbang sa konserbasyon ng lamang dagat.
Ang patakarang ito, ayon sa DA, ay naglalayong palitan ang stocks ng isda at matiyak ang pangmatagalang food security ng bansa.
Mula Nobyembre hanggang Marso, ang mga pangunahing fishing grounds ay off-limits sa large-scale fishing.
Ang inisyatibang ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr .ay sumusuporta sa kapwa mangingisda at mga mamimili sa pamamagitan ng pagtiyak ng sustainable fish production.
Una nang umani ng batikos mula sa grupong PAMALAKAYA ang hakbang na ito ng BFAR, na sinasabing disadvantage para sa maliliit na mangingisda at ang nakikinabang lang ay mga importer.
Ipinagtanggol naman ni BFAR Executive Director Isidro Velayo, Jr. ang programa at nagsabing ito ay dumaan sa siyentipikong pag-aaral at konsultasyon.
- Latest