^

Bansa

Angara, pormal nang umupo bilang DepEd sec.

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Angara, pormal nang umupo bilang DepEd sec.
Pormal na isinalin kahapon ni Vice Pres. Sara Duterte ang pamumuno ng DepEd kay incoming secretary Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara sa ginanap na turnover ceremony sa DepEd Central Office sa Pasig City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pormal nang umupo kahapon si Sen. Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito’y matapos na opis­yal nang ipasa ni Vice Pre­sident at out­going DepEd Secretary kay Angara ang po­sisyon sa isang simpleng ­turnover ceremony sa DepEd main office sa Pasig City kahapon.

Sa naturang aktibidad, iniabot ni Duterte kay Angara ang seal at watawat, na simbolo nang pagpapasa ng liderato at pangangasiwa sa ahensiya.

Binigyan pa ni Duterte si Angara ng tour sa loob ng DepEd office.

Binigyang-diin ni Duterte, sa kanyang huling talumpati bilang DepEd chief, ang mga programa at proyekto na ipinatupad sa kanyang dalawang taong panunungkulan bilang DepEd chief.

Kabilang sa mga programa at proyektong binanggit niya ay ang agenda ng Matatag, K to 10 Matatag Curriculum, pagrepaso sa kurikulum ng Senior High School, paglulunsad ng National Learning Recovery Plan, at ang pagbabalik ng face-to-face class sa humigit-kumulang 27 milyong mag-aaral.

Sa kanya namang ­unang talumpati bilang Education Secretary, sinabi ni Angara na sisi­guraduhin niyang pag-iibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karunungan para sa mga  mag-aaral.

“Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” sabi ni Angara na pormal na ring nagbitiw kahapon bilang senador.

Matatandaang Hunyo 19 nang magbitiw sa puwesto si Duterte na epektibo ngayong Hulyo 19.

Hulyo 2 naman nang italaga ni Pang. Bongbong Marcos si Angara bilang bagong DepEd secretary.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with