^

Bansa

Extradition hearing ni Teves sa Timor Leste, tapos na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Extradition hearing ni Teves sa Timor Leste, tapos na
Suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Congressman Arnie A. Teves / Facebook page

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Justice (DOJ) na natapos na ang extradition hearing ni da­ting Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. sa Timor Leste at inaasahan ang paborableng desisyon para sa pagpapabalik sa bansa.

Ayon sa DOJ, ang Timor Leste Central Authority at kampo ni Teves ay binigyan ng panahon na magsumite ng kani-kanilang Memorandum/Position Papers na nagsasaad ng kanilang mga argumento at posisyon.

Kailangang maunang maghain ng /Memorandum/Position papers ang panig Timor Leste Central Autho­rity at susundan ng pagsusumite rin ng ng kampo ng Teves.

Pagkatapos na makapaghain ang magkabilang kampo, may 5 araw naman ang Court of Appeals ng Timor Leste para maglabas ng desisyon nito.

Inaasahan ang desis­yon bago ang katapusan ng Hunyo.

Naniniwala ang DOJ na papabor ang Court of Appeals ng Timor Leste, partikular na ang mga testigo ng DOJ ay epektibong nalabanan ang mga argumento na inihain ng kampo ng Teves.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with