^

Bansa

Tapyas taripa sa bigas magbebenepisyo lang sa foreign suppliers - Sen. Imee

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tapyas taripa sa bigas magbebenepisyo lang sa foreign suppliers - Sen. Imee
Tinanggap ni Young Farmers Challenge winner Japhet G. Table ng Agusan del Sur ang kanyang award na P500,000 mula kay Sen. Imee Marcos.

MANILA, Philippines — Tinawag ni Senador Imee Marcos ang panukala ng gobyerno na ibaba sa 35% hanggang 15% ang rice tariff na "ham-fisted" solution para maibaba ang presyo ng bigas para sa consumers.

Ginawa ni Senador Marcos ang pahayag sa Nueva Ecija bago ianunsiyo ang nanalo sa Young Farmers Challenge, na isang taunang kompetisyon na nag aalok ng tulong pinansyal para sa innovative ideas pagdating sa pananim, livestock, at fish production na kanyang sinimulan at ng Department of Agriculture (DA) noong 2021.

Giit pa ng Senadora, mabebenipisyuhan lang ang mga dayuhang suppliers na nag-eexport ng bigas sa Pilipinas sa sandaling ibaba ang rice tariff, subalit sisira naman sa kabuhayan ng local farmers na hindi kayang makipag kumpetensya sa mas murang rice imports.

"Apart from high rice prices in the global market, rice-exporting countries know that we need to import rice and are taking advantage of it, neutralizing the intended effect of a lower tariff," paliwanag pa niya. Iginiit pa niya na ang nakalipas na pagbaba ng rice tariffs mula 50% hanggang 40% at ngayon ay 35% ay hindi pa rin nagresulta sa pababa sa presyo ng bigas sa mga palengke.

Sa kasalukuyan base sa Bantay Presto ng Department of Agriculture o DA, ang pinakamurang presyo ng regular rice milled ay umaabot sa P50 kada kilo na tumaas pa ng 19% mula sa 47% mula sa nakalipas na taon na P34 hanggang P42 kada kilo.

Pinuna rin ng Senador ang kawalan ng konstultasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) sa DA at iba pa stakeholders sa rice industry bago irekomenda ang pagtatapyas sa rice tariff at manatili na epektibo hanggang 2028.

Hindi rin aniya nagpakita ang NEDA ng public cost analysis para patunayan na ang pagbaba sa rice tariffs ay magbaba sa presyo ng bigas.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with