^

Bansa

Kontrata sa South Commuter Railway project, pinirmahan ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial signing ng mga kontrata para sa South Commuter Railway Project (SCRP) sa Jose Rizal Plaza, Calamba City, Laguna.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na ang proyekto ay isang patunay na seryoso ang ­gobyerno sa pagpupursige sa mga malalaking proyekto na mahalaga sa pagpapanatili at pag-unlad ng ekonomiya.

Pinasalamatan ni Marcos ang Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency para sa co-­financing ng railway project.

Ang SCRP ay bahagi ng 147-kilometer North-South Commuter Railway network na mag-uugnay sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna sa 2028.

Noong Hunyo, inaprubahan ng ADB ang USD4.3 bilyon upang tumulong sa pagtatayo ng linya ng tren na nag-uugnay sa Metro Manila at Calamba City.

Ang railway system ay magkakaroon ng 18 stations na babagtas sa Manila City, Makati City, Taguig City, Parañaque City, Muntinlupa City, San Pedro City, Biñan City, Santa Rosa City, Cabuyao City, at Calamba City.

Ang proyekto, na binubuo ng 56 kilometro sa pagitan ng Maynila at Laguna, ay magbabawas sa oras ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang lugar mula tatlong oras hanggang isang oras lamang at kayang maka-accommodate ng 340,000 pasahero kada araw.

RAILWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with