^

Bansa

US Marine na pumatay kay Jennifer Laude pinalalaya ng korte ng Olongapo

James Relativo - Philstar.com
US Marine na pumatay kay Jennifer Laude pinalalaya ng korte ng Olongapo
Makikitang humihingi ng katarungan ang raliyistang ito sa pagkamatay ni Jennifer Laude, isang transgender Filipina, na pinatay ng Amerikanong sundalong si ex-US marine Joseph Scott Pemberton habang nasa Pilipinas para sa ilang military exercises
File

MANILA, Philippines — Ipinag-uutos ngayon ng isang korte sa Lungsod ng Olongapo ang maagang pagpapalaya sa isang sundalong Amerikanong sangkot sa brutal at kontrobersyal na pagpatay ng transgender Filipina halos anim na taon na ang nakalilipas.

Sa ulat ng CNN Philippines, sinasabing pinagbigyan ang "partial motion for reconsideration" ni ex-US Marine Joseph Scott Pemberton kaugnay na rin ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Basahin: Pemberton found guilty of homicide for killing Jennifer Laude

"He (Pemberton) is now entitled to be released for he had already served the 10-year maximum of his penalty," ayon sa kautusang nilagdaan ni Presiding Judge Roline Ginez-Jabalde sa dokumentong pinetsahang ika-1 ng Setyembre, 2020.

Aniya, nakaipon na raw kasi si Pemberton nang aabot sa 10 taon, isang buwan at 10 araw na entitlement ng GCTA, bagay na "lampas na sa 10 taong maximum penalty na ipinataw ng korte at ipinagtibay ng Court of Appeals."

Ang GCTA ay ibinibigay sa mga kriminal na nagkasala ngunit nagpamalas ng mabuting asal sa loob ng kulungan, dahilan para mapaiksi ang kanilang sintensya.

Binanggit din ng korte na bagama't hiwalay ang sinisingil kay Pemberton na danyos perwisyos para sa kriminal at civil liability, nakapagbayad na raw nang buo ang dating sundalo, bagay na in-award ng korte sa kanilang desisyon noong ika-18 ng Nobyembre, 2015.

May kaugnayan: Pemberton pays victim’s kin P4.6 million

"WHEREFORE, in view of the foregoing, the Partial Motion for Reconsideration of accused L/Cp Joseph Scott Pemberton is GRANTED," dagdag ng kautusan.

"The Director General, Bureau of Corrections is directed to release accused L/Cpl Joseph Scott Pemberton from Detention unless he is being held for some other lawful cause or causes."

Ano nga bang ginawa niya kay Jennifer Laude?

Matatandaang napatunayang nagkasala si Pemberton sa pagpatay kay Jennifer Laude noong Oktubre 2014 sa pamamagitan ng "asphyxiation by drowning." Natagpuan na lang na may marka ng pananakal si Jennifer sa isang hotel habang nasa kubeta ang kanyang ulo. 

Matatandaang nasa Pilipinas noon si Pemberton para makilahok sa regular na military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, dahilan para mabatikos nang husto ang ugnayang panglabas ng dalawang bansa.

Ito ang ikalawang kasong kriminal na kinasangkutan ng isang United States Marine sa Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) at una sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Naging malaking isyu pa noon kung saan pananagutin si Pemberton lalo na't may probisyon sa VFA na nagsasabing Amerika ang may jurisdiction sa mga sundalong Kanong lumalabag ng batas sa Pilipinas maliban na lang kung "importante para sa Pilipinas" ang nabanggit na krimen.

May kaugnayan: US, Philippines to work out deal on Pemberton custody

Pagtutol ng pamilya, abogado

Labis namang tinutulan ng pamilya Laude ang maagang pagpapalaya kay Pemberton gamit ang GCTA.

Ayon kay Virgie Suarez, abogado ng pamilya ng biktima, wala diumanong pruwebang makapagpapatunay na nakilahok si Pemberton sa mga rehabilitation activities na sertipikado sa ilalim ng Time Allowance supervisor.

"His conduct was never put to test as he has never joined other convicts. Had he served his sentence in National Bilibid, maybe his application for good conduct would have some merits," ani Suarez sa kanilang motion for reconsideration.

"[GCTA] is not a matter of right. It is a privilege subject to the presentation of proof and recommentation of actual 'good conduct.' otherwise, this is subject to abuse and can be circumvented easily. If this is so, this is clearly an INJUSTICE."

Hindi rin natuwa si presidential spokesperson Harry Roque sa balitang ito, lalo na't siya ang dating private prosecutor ng pamilya Laude.

"I deplore the short period of imprisonment meted on Pemberton who killed a Filipino under the most gruesome manner. Laude’s death personifies the death of Philippine sovereignty," wika niya.

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

JENNIFER LAUDE

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

OLONGAPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with