P10K budget ng NEDA ?inalmahan
MANILA, Philippines — Kabilang ang mga maliliit na negosyanteng miyembro ng Alay Buhay partylist sa mga umalma sa pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na sapat na ang P10,000 kada buwan para sa bawat pamilyang Filipino na may limang miyembro.??
Ayon sa Alay Buhay, walang basehan ang sinabi ng NEDA bagama’t nilinaw ng huli matapos mabatikos na ito ay paghahalimbawa lamang.??
“Get your facts straight,” sabi ni Michael Fermin na siyang first nominee ng Alay Buhay partylist, na kumakatawan sa micro, small and medium enterprises sa bansa.??
“Saan nila kinuha ang data? 1970 figures? Paano sasapat ang P10,000 budget buwan-buwan kung patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin?” sabi pa ni Fermin.??
Ayon pa sa Alay Buhay, nararamdaman din ng mga negosyanteng kabilang sa tinatawag na micro, small and medium enterprises ang epekto ng mataas na inflation rate na umabot sa 4.6% nitong Mayo.??
Kaya imposible umano na ang P10,000 ay sapat para sa pangangailangan ng bawat Pamilyang Pilipino, aniya pa.
??Dahil dito, iginiit ng Alay Buhay na dapat paigtingin ng gobyerno ang ayuda sa mga Pilipinong apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sanhi ng TRAIN law.??
“Apektado tayong lahat sa pagbulusok ng pesyo ng langis, kuryente at bilihin, hindi lang ang mga mahihirap kundi kabilang din ang mga MSMEs na maliit na nga kapital, eh mas lumiliit pa dahil sa TRAIN law,” giit ng Alay Buhay.
- Latest